Pekeng balita ng Makabayan Bloc, binatikos ng DILG

Pekeng balita ng Makabayan Bloc, binatikos ng DILG

MARIING kinondena ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pinapakalat na balita ng Makabayan Bloc patungkol sa Barangay Development Program (BDP).

Ayon kay DILG Undersecretary and NTF-ELCAC Spokesperson Jonathan Malaya na shameless at thick-skinned ang Makabayan Bloc para ipagkait sa mga remote areas na mga barangay ang programa ng gobyerno na matagal nang minimithi ng mga kababayan sa ilalim ng BDP.

Layon ng BDP na i-develop ang 822 na mga barangay sa liblib na lugar na nalinis na mula sa impluwensiya ng makakaliwang grupo.

Kinuwestyon ni Malaya kung bakit tinututulan ng Makabayan Bloc ang development sa mga liblib na mga barangay na mahirap, undeveloped, at malayo sa kabihasnan.

“Dahil ba na gusto niyong muling gawin kuta ng mga NPA ang lugar?” pahayag ni Malaya.

Samantala binatikos naman ni Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat si DILG Secretary Eduardo Año, na thick-skinned ito dahil sa proposal na dagdag P40 billion sa 2022 budget para sa development program ng mga barangay.

Ilalaan naman ang pondo para sa development projects gaya ng kalsada mula sakahan papuntang merkado, paaralan, bahay, health centers, kuryente, tubig at livelihood project.

Hinahamon naman ni Malaya si Rep. Cullamat na ipakita nito ang katibayan na magpapatunay na ang pondo ay sinayang at nilustay lamang.

Ipinaliwanag naman ni Malaya kay Cullamat na ang pondo sa BDP ng NTF-ELCAC ay naka direkta sa Department of Budget and Management (DBM) para sa mga benepisyaryo ng LGU at para sa mga proyekto.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *