Kamara
National

Pederalismo, walang epekto sa ekonomiya

Walang epekto sa ekonomiya ng bansa ang pagpapalit ng porma ng pamahalaan tungo Pederalismo.

“The shift to federalism, we reiterate, would have no adverse effect on the Philippine economy.” – Sec. Harry Roque, Presidential Spokesperson

Ito ang binigyang-diin ni Presidential Spokesperson Harry Roque kasunod ng pahayag ng National Economic and Development Authority (NEDA) Director General at Secretary Ernesto Pernia na ang pagbabago ng pamahalaan tungo sa pederalismo ay maaring makaapekto sa paglago ng ekonomiya at magdulot ng kaguluhan.

Bagamat nagkausap na si Pernia at Roque kung saan nagkaroon ng paglilinaw sa isyu.

Ipinaliwanag ni Roque na mananatili ang budget ng bansa habang ang ilang kinilalang national projects naman ay ililipat sa internal revenue allotment ng lokal na pamahalaan.

“Our budget would remain the same, as identified national projects would be devolved and transferred to the internal revenue allotment (IRA) of local government units.” – Sec. Harry Roque, Presidential Spokesperson

Ilan sa mga proyektong ito ay ang maintenance ng mga kalsada at tulay sa barangay, patubig, health centers, day care center at pagpapatupad ng solid waste system.

Ipagpapatuloy ng national government ang mga proyekto sa ilalim ng Build, Build, Build ng administrasyon at tututok sa paggawa ng mga polisiya ikabubuti ng bansa.

Hannah Jane Sancho

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *