National

Peace talks sa pagitan ng pamahalaan at NPA, pormal ng kinansela ng OPAPP

INANUNSIYO ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process(OPAPP) na kinakansela na nito ang lahat ng nakatakdang pagpupulong sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front kasunod ng direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte na wala ng
puwang ang usapang pangkapayapaan sa kanila.
Ayon kay Peace Process Secretary Jesus Dureza, napilitan si Pangulong Duterte na tapusin na ang pakikipagusap sa mga rebelde dahil na rin sa panibagong karahasan at trahedya na idinulot nito sa iba‟t ibang panig ng bansa.
“We are hereby announcing today the cancellation of all planned meetings with the CPP/NPA/NDF in line with President Duterte’s directive that there will be no more peace talks with them.
Recent tragic and violent incidents all over the country committed by the communist rebels left the president with no other choice but to arrive at this decision. We take guidance from the president’s recent announcements and declarations,” ani Sec. Jesus Dureza.
Aminado rin si Dureza na ikinalulungkot nito ang pangyayari dahil hindi nakamit ng pamahalaan ang ninanais nito na maging mapayapa ang relasyon sa makakaliwang grupo.
Igniit din ni Dureza na ginawa lahat ng Pangulong Duterte ang lahat para makamit ang kapayapaan sa CPP pero hindi ito sinuklian ng kabutihan ng mga rebelde.
Alinsunod na rin sa anunsyo ng OPPAP, hindi na magkakaroon pa ng negosasyon sa CPP-NPA-NDF ang pamahalaan hanggang sa magkaroon ng kagustuhan ng dalawang partido na ipursige pa ito.
Gayunpaman ay mariing nakaantabay ang pamahalaan sa magiging kaganapan kaugnay sa naging desisyon ni Pangulong Duterte at nagpahayag ng pasasalamat sa Norwegian Government sa tulong na ibinigay nito para sa usapang pangkapayapaan sa CPP-NPA-NDF.
Maituturing pa rin ito ng pamahalaan na setback pero naniniwala si Dureza na seryoso pa rin ang pamahalaan sa nais nito na makamit ang pangmatagalan kapayapaan sa bansa.
(Ulat mula sa DZAR Sonshine Radio-Manila)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *