Business

PDRs ng mga malalaking broadcasting company sa bansa, pinasusumite sa Kamara

WoodProfit

PINAGSUSUMITE ng Kamara ang mga major broadcasting company sa bansa ng kopya ng kanilang Philippine Depositary Receipts (PDRs) na inisyu sa mga dayuhan.

 

Sa House Resolution 984 na inihain ni Nueva Ecija Rep. Micaela Violago, nais nito na silipin ang legalidad ng mga PDRs na inisyu ng mga broadcasting company sa mga non-Filipino holder.

 

Ginawang halimbawa nito ang nadiskubreng violation ng ABS-CBN Corp. sa 100% Filipino-ownership ng mass media sa bansa dahil nagbenta ito ng PDR sa mga dayuhan.

 

ProVen

Ang ownership violation ng ABS-CBN ay labag sa constitutional requirement ng isang franchise holder.

 

Pinaalalahan din sa resolusyon ang mga media companies sa pagsunod sa Section 11, Article 16 ng konstitusyon na ang mass media management at ownership ay limitado lamang para sa mga Pilipino.

 

Dahil diyan, nakatakda namang ipatawag sa Kamara ang mga major broadcasting company para personal na idepensa ang issuance ng PDR sa mga dayuhan.

 

SMNI NEWS

PHOTO JOB

Tags

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close