PDRRMC-Cagayan, nakahanda na sa posibleng epekto ng Bagyong Bising sa lalawigan

PDRRMC-Cagayan, nakahanda na sa posibleng epekto ng Bagyong Bising sa lalawigan

NAKAHANDA na ang pamahalaang panlalawigan ng Cagayan at ang Provincial Disaster Risk Reduction Council o PDRRMC sa anumang epekto ng Bagyong Bising sa probinsya.

Ayon kay Col. Atanacio Macalan Jr. Hepe ng Cagayan PDRRMO, ika-17 ng Abril nakaraang Sabado pa sinimulan ng ahensya ang paghahanda sa Bagyong Bising sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa lahat ng MDRRMO sa lalawgan.

Sa ganap na pulong, tiniyak ng PDRRMC na nakahanda na ang bawat hanay sa kanilang isasagawang aksyon sa maaring maranasang epekto ng Bagyong Bising.

Maliban sa MDRRMOs ay nakipag-usap na rin ang PGC sa mga frontline agencies ng gobyerno na magiging kaakibat sa paghahanda at mga kakailanganing aksyon at desisyon sa pagdating at sa pananalasa ni Bagyong Bising.

Bagamat, sinabi ng DOST-PAGASA na maaaring hindi magdulot ng malawakang pinsala ang hangin ng Bagyo ay posible pa ring makaranas ng katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan sa lalawigan mula sa araw ng Martes hanggang Miyerkules ngayong linggo.

Bunsod nito magiging sentro ng atensyon ng PGC sa pagdating ni Bising ang bantayan sa mga mababaw at bahaing lugar ng probinsya.

Samantala, nagpakawala rin ng tubig mula sa Magat Dam ang National Irrigation Administration o NIA upang mapanatili sa ligtas na sukat ng tubig ang Dam at maari pang madagdagan depende sa lakas ng ulan sa Magat Watershed.

Tiniyak din ng Task Force Lingkod Cagayan o TFLC na naka-alerto sila sa bawat istasyon para sa agarang pagresponde sa mga pangangailangan ng taumbayan.

(BASAHIN: P30-M, inilaang pondo para sa pagtatanim ng bamboo sa Cagayan River Banks)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *