narco list
Metro

PDEA, hinimok na kasuhan muna ang mga pulitikong nasa narco list bago isapubliko

Hinihimok ni Akbayan Rep. Tom Villarin ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na sampahan muna ng kaso ang mga pulitikong kabilang sa narco list bago isapubliko ang pagkakakilanlan ng mga ito.

Ayon pa kay Villarin, dapat validated at nasampahan ng kaso ang mga pulitikong sangkot sa iligal na droga dahil hindi makatarungan na isailalim ang mga ito sa “Trial by publicity.”

Malaking dagok aniya para sa isang opisyal kung mapasama ang mga ito narco list ng walang konkretong basehan.

Magugunita na inihayag kamakailan ni PDEA Director General Aaron Aquino na nasa 6-7 incumbent Congressman ang kabilang sa narco list.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *