high value target
National

PDEA, handang ipakita ang listahan ng high value target kay VP Robredo

HANDA ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ipapakita kay Vice President Leni Robredo ang listahan ng high value target sa war on drugs ng pamahalaan.

Ito ang paglilinaw ni PDEA Spokesperson Derrick Carreon sa panayam ng Sonshine Radio kasunod ng mga ulat na nagdadalawang-isip ang ahensya na ibigay ito kay Robredo.

Gayunman, sinabi ni Carreon na ipapakita lamang ang listahan kay Robredo na co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) sa isang executive session.

“In a statement over the weekend, nilinaw po natin na in executive session, PDEA will disclosed the list to the vice president. So, nililinaw lang po natin na wala naman pong act of disrespect or much less defiance or anything like that dahil ang atin lang po is gusto lang pong ma-ensure ng PDEA na kung baga ang makakakita ng list ay yung may kaukulang security clearance kasi nga po base on principle is need to know in law enforcement and intelligence and the security sector, hindi komo ay kumbaga sa amin ano.. Like for example PDEA officials…we declared 200 sensitive documents but as to the need to know…depende po yan kung vital sa pagtugon sa iyong katungkulan ang makita mo yun o hindi so ganun lang po yung principle dun…but definitely, in executive session.. Ipapakita po yan…may schedule lang po na kailangan nating i-harmonize,” pahayag ni Carreon

Ayon kay Carreon, makakasama lamang sa closed door meeting ang mayroong security clearance, PDEA officials concern at tanging si bise presidente para maiwasan ang undue disclosure.

Nilinaw din ni Carreon na isang unified watchlist ang ipapakita kay VP Robredo.

‘Ang pinag-uusapan po natin ay ang national watchlist…unified watchlist of illegal drugs which is not yung sinasabi po natin na naibunyag na po ng ating mahal na pangulo…marami pa pong ibang personalities dito na involved na resulta po ng work ng constant workshop natin with other law enforcement agency and it’s subject to constant validation to our monthly workshop. So, hindi po ito limited doon lang sa mga pangalan na naisumite sa Office of the President na nagsimula po ang ating mahal na pangulo sa kanyang termino at ibinaba po sa amin na for constant validation din as well.. Iba po yun…ibang iba po yun compared to the national unified watchlist,” dagdag ni Carreon.

VP Robredo, nangakong hindi isisiwalat ang mga sensitibong impormasyon ng high value target

Tiniyak ni Vice Pres. Leni Robredo na hindi niya isisiwalat ang ano mang sensitibong impormasyon kaugnay sa kampanya kontra iligal na droga ng administrasyon.

Ito ang tugon ni Robredo sa banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na sisibakin sa puwesto kung maglalabas ito ng mga sensitibong impormasyon hinggil sa operasyon kaugnay sa iligal na droga.

Ginawa ito ni Duterte matapos mabatid ang paghingi ni VP Robredo sa listahan ng mga drug high value targets kamakailan.

Una rito, nagpahayag ng pagtutol si PDEA Director General Aaron Aquino, co- chairman ni Robredo sa Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD), sa pagbibigay ng naturang listahan.

Kinuwestyon din ni Aquino ang mandato ni Robredo bilang co-chair ng ICAD.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *