PDEA Aquino
National

PDEA Chief Aquino, nahirapan na makasama sa trabaho si VP Robredo sa ICAD

AMINADO si Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Director General Aaron Aquino na nahirapan siya na naging co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs si Vice President Leni Robredo.

Inamin ni Aquino na hindi siya komportable sa pangalawang pangulo.

Paliwanag ng PDEA chief Aquino na nag-aalangan kasi siya na pagsabihan o diktahan si Robredo kung ano ang mga dapat nitong gawin dahil hawak nito ang ikalawang pinakamataas na puwesto sa bansa.

Hindi rin aniya mapigilan si Robredo nang magsimula itong makipagpulong sa mga foreign group.

Sa kabila nito, sinabi ni Aquino na maganda ang mga ginawang rekomendasyon ni Robredo sa 19 na araw na panunungkukan nito bilang ICAD co-chair.

Sa katunayan aniya ay inatasan niya ang ICAD na sundin ang mga naging mungkahi ng bise president.

Sa ngayon, sinabi ng PDEA chief na hindi na kailangan pa ng panibagong co-chair pero kung magtatalaga aniya si Pangulong Rodrigo Duterte ay makabubuting maging kapareho lamang niya na isang undersecretary.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *