mga lotto games
National

PCSO, inanunsyo ang muling pagbabalik ng operasyon ng kanilang mga lotto games

INANUNSYO na rin ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang pagbabalik ng operasyon ng kanilang mga lotto games kasunod ng pagbawi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa suspensyon nito kagabi.

Sa official statement ng PCSO, epektibo ngayong araw ang pagbabalik ng operasyon ng kanilang lotto games na Lotto 6/42, Mega Lotto 6/45, Super Lotto 6/49, Grand Lotto 6/55, Ultra Lotto 6/58, 6 Digit Game, 4 Digit Game, Suertres Lotto at EZ2 Lotto.

Pinayuhan naman ng PCSO ang may mga hawak na advanced lotto tickets na maghintay sa anunsyo ng iskedyul ng pagbola.

Ang lotto draw aniya na nasuspende mula July 27-30 ay ipagpapatuloy at gaganapin sa official PCSO draw court sa PCSO Head Office Conservator Building sa Mandaluyong City.

Tiniyak din ng PCSO na suportado nila ang pangulo sa pagsugpo sa korupsyon at illegal gambling activities at patuloy ang kanilang pagsisikap para labanan ito.

Matatandaang July 27 nang ipag-utos ng punong ehekutibo ang pagpapasara sa lahat ng games operations sa ilalim ng PCSO dahil sa umano’y malawakang korupsyon sa operasyon ng mga ito.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *