Rome Statue
National

PCICC, ipinababasura sa SC ang pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statute

Pinababasura ng Philippine Coalition for the International Criminal Court (PCICC) sa Korte Suprema ang pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statue ng International Criminal Court.

Sa petisyon ng PCICC sa pamumuno ni dating CHR Chairman Loretta Ann Rosales, iginiit ng mga ito hindi kinonsulta ni Pangulong Rodrigo Duterte ang senado sa notice of withdrawal na isinumite sa United Nations (UN).

Naniniwala ang grupo na inabuso ni Pangulong Duterte ang kanyang kapangyarihan at nilabag ang check and balance nang magdesisyon na hindi komunsulta sa senado.

Ang senado ang nag-ratify sa naturang tratado noong 2011.

Nauna nang umapela sa higher court ang grupo nina Senador Francis Pangilinan, Risa Hontiveros at apat pang mambabatas na ideklarang null and void ang pagkalas ng Pilipinas sa ICC.

Sa July 24 isasalang sa oral arguments ng Korte Suprema ang petisyon ng mga senador.

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *