Marcos jewels
National

PCGG, bukas sa pagsubasta sa Marcos jewels

WELCOME para sa Presidential Commission on Good Government o PCGG ang pagpahayag ni Pang. Rodrigo Duterte na maisubasta na mga alahas ni dating First Lady Imelda Marcos na nasa P704.8-million pesos ang halaga.

Base sa inilabas na pahayag ng PCGG, sinabi nitong susunod ito sa lahat ng instructions mula sa Office of the President hinggil dito.

Sisiguruhin rin ng PCGG na lahat ng malilikom na pondo mula sa pagsusubasta ay mapupunta sa government treasury para makaambag sa programa ng gobyerno para sa mga Pilipino.

Matatandang Setyembre noong nakaraang taon nang sumulat ang PCGG sa opisina ng pangulo para humingi ng permiso para sa pagbebenta ng mga alahas ni Marcos.

Ulat ni Hannah Jane Sancho

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *