PCG, nakilahok sa blood donation drive ng Red Cross

PCG, nakilahok sa blood donation drive ng Red Cross

LABING pitong tauhan mula sa Philippine Coast Guard (PCG)- Occidental Mindoro Station ang nag-donate ng dugo sa Philippine Red Cross (PRC).

Kahapon, August 24 nang isinagawa ng Red Cross ang isang Mobile Blood Donation Drive at dito nakilahok ang mga tauhan ng PCG.

Sa post ng PCG-Occidental Mindoro, ang naturang pag-donate ay para punan ang tumataas na demand ng dugo sa bansa.

Ang mataas na demand ng dugo ay bunsod na rin ng patuloy na pananalasa ng COVID-19 pandemic.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *