PCG, kinundena ang pagpatay sa isa nilang personnel sa Sual, Pangasinan

PCG, kinundena ang pagpatay sa isa nilang personnel sa Sual, Pangasinan

MARIING kinundena ng Philippine Coast Guard ang pagpatay sa isa nilang tauhan ng hindi pa nakikilalang gunman sa Sual, Pangasinan noong Enero 11, 2022.

Dead on arrival sa Primary Care infirmary facility sa Caoayan, Sual Pangasinan ang biktimang si CG Apprentice Seaman (ASN) Angelo Martinez, 23-anyos ng PCG district Southern tagalog.

Ayon kay PCG spokesperson, CG Commo Armand Balilo, nangyari ang shooting incident sa barangay paitan West corner Bolaoen road sa Sual bandang alas 11:45 ng gabi.

Narekober naman sa crime scene ang dalawang cartridge case ng caliber 9mm, isang cellphone, isang cigarette butt, at isang pulang motorisko.

Patuloy naman ang hot pursuit operation ng PNP para matukoy at maaresto ang suspek habang nagsasagawa rin ng imbestigasyon ang PCH sa insidnete.

Sa inisyal na imbestigasyoan, nagkaroon ng conversation ang biktima na residente ng barangay Bolaoen sa suspek bago ito binaril sa kanyang kaliwang bibig.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *