Sports

PBA, papatawan ng parusa ang mga manlalarong lalabag sa training protocols

PAPATAWAN ng Philippine Basketball Association (PBA) ang mga manlalaro nitong lalabag sa health and safety protocols na ipapatupad ng liga sa oras na manumbalik na ang mga ito sa training.

 

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, mahigpit na ipatutupad ng PBA ang kanilang panuntunan upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

 

Nais ng liga na mibalik ang nasuspindeng season nito sa buwan ng Oktubre.

 

Ang PBA ay magsasagawa ng isang closed circuit bubble concept kung saan malilimitahan lamang ang pagbiyahe ng mga manlalaro sa kanilang tahanan at training facilities.

 

Para sa mga lalabag, sa unang offense ay papatawan ang manlalaro ng P5,000 multa habang P20,000 multa naman para sa mga manlalarong hindi susunod sa protocols habang nasa training.

 

Sinabi naman ni Marcial target nilang makapagsimula ng pag-eensayo sa Hulyo 22 kung saan 6 na tao lamang ang papayagan kabilang dito ang 4 na manlalaro, 1 coach o trainer at isang safety officer sa court sa bawat training session.

 

SMNI NEWS

 

Tags

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close