PBA, nagbukas ng recreation avenues para sa bubble delegates

PBA, nagbukas ng recreation avenues para sa bubble delegates

INAALAGAAN ng Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner’s Office ang mental health ng lahat ng mga delegates na nakapaloob sa bubble format para sa muling pagsisimula ng liga nito.

Kaya naman maglalagay ang liga ng maraming avenue para sa relaxation at recreation ng mga residente sa loob ng bubble.

Ang mga manlalaro, team at league officials, support staff at iba pang indibidwal sa loob ng bubble ay sasailalim sa mahigpit na guidelines upang masiguro ang ligtas at maayos na pagbabalik ng ika-45th Season ng liga.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, mananatili ang mga residente ng bubble sa loob ng dalawang buwan na malayo sa kanilang pamilya kaya naman kailangan nilang tulungan ang mga ito na i-manage ang kanilang stress, anxiety at homesickness.

Bukod sa golf, swimming at table tennis, magdadagdag din sila ng billiards at darts at titingnan din nila kung maaari silang makapaglagay ng video game hub sa loob ng hotel kung saan isasagawa ang PBA delegation.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *