Pay rules
National

Pay rules para sa June 5 at 12 holidays, ipinaalala ng DOLE

IPINAALALA ng Department of Labor and Employment o DOLE sa mga employer sa pribadong sektor ang pay rules para sa mga manggagawa sa dalawang regular holidays ngayong buwan.

Inatasan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga employer na ibigay ang tamang sahod ng mga empleyadong papasok  bukas, Eid’l Fitr at sa Independence Day o araw ng kalayaan sa Hunyo 12.

Ayon sa DOLE, makatatanggap ng Double Pay o 200% ng arawang sahod ang mga manggagawang naka-duty sa mga nabanggit na petsa.

Habang single pay sa mga naka-leave, lumiban o naka-rest day sa mga nabanggit na holidays.

Makatatanggap naman ng karagdagang 30% ng kanilang hourly rate ang mga empleyadong mag-o-overtime bukas at sa June 12.

Bukod sa double pay ay karagdagang 30% ng arawang sahod ang tatanggapin ng mga naka-day-off subalit pinag-report sa trabaho sa dalawang regular holidays.

SMNINEWST

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *