Pay rules
Business National

Pay rules ngayong araw ng kasarinlan, ipinaalala ng DOLE

IPINAALALA ng Department of Labor and Employment o DOLE sa mga employer sa pribadong sektor ang pay rules para sa mga manggagawa ngayong Araw ng Kalayaan na isang regular holidays.

Ayon sa DOLE, makatatanggap ng double pay o 200% ng arawang sahod ang mga manggagawang naka-duty ngayong araw.

Habang single pay sa mga naka-leave, lumiban o naka-rest day.

Makatatanggap naman ng karagdagang 30% ng kanilang hourly rate ang mga empleyadong mag-o-overtime ngayong araw.bukod sa double pay ay karagdagang 30 percent ng arawang sahod ang tatanggapin ng mga naka-day-off subalit pinag-report sa trabaho.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *