CORONAVIRUSRegional

Patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19 sa Cebu, nakakaalarma —Cimatu

INILARAWAN ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu na alarming ang patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa Lungsod ng Cebu.

 

Ayon kay Cimatu, may dalawang rason kung bakit alarming ang kaso ng COVID-19 sa Cebu City.

 

Una aniya ay mataas ang porsyento ng mga nagpositibo sa isinagawang swabbing kung saan mas mataas kung ikumpara sa Metro Manila.

 

Ayon kay Cimatu,  sa national swab testing result sa bawat isang daang tao, mayroong lamang labing walo katao  ang nagpositibo sa COVID-19  kumpara sa nasabing lungsod sa bawat  isang daang taong isinailalim sa swab test nasa 30 katao ang nagpositibo sa naturang sakit.

 

Isa sa mga nakitang dahilan ang hindi pagsunod ng mga residente sa social distancing sa mga barangay.

 

Pangalawang rason aniya ay ang paglalagay ng isolation centers sa gitna ng barangay.

 

Dahil dito, ipinag-utos ng kalihim na ilipat ang barangay isolation  sa hindi matataong lugar.

 

Si Cimatu ay ipinadala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Cebu upang pangunahan ang COVID-19 response matapos nabatid ng Malakanyang na patuloy ang palobo ng kaso ng coronavirus disease sa Cebu City dahilan upang isailalim ito sa. Enhanced Community Quarantine

 

Samantala, sarado at suspendido ang trabaho ng Cebu Provincial Capitol simula ngayong araw hanggang sa araw ng Biyernes upang bigyang daan ang pagsasagawa ng disinfection sa lahat ng opisina ng kapitolyo.

 

Ito ang inutos ni Cebu Governor Gwen Garcia matapos mayroong dalawang empleyado ang namatay na nagpositibo sa coronavirus disease.

 

Ang nasabing hakbang ay ginawa upang maiwasan ang pagkalat pa ng nasabing sakit sa kapitolyo.

 

Sa huling datos ng Provincial Health Office, umabot na sa 15 empleyado ng kapitolyo  ang nagpositibo sa COVID-19, nasa sampu ang aktibong kaso habang apat na ang nakarekober.

 

Samantala, inaasahang magbabalik-trabaho ang mga empleyado sa darating na Hulyo 6.

 

MARGOT GONZALES

Tags

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close