PATAFA, inirekomenda na tanggalin si EJ Obiena sa national training pool

PATAFA, inirekomenda na tanggalin si EJ Obiena sa national training pool

INIREKOMENDA ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) na tanggalin si Olympic pole vaulter EJ Obiena sa national training pool.

Inirekomenda rin ng PATAFA na sampahan ng kasong estafa si EJ Obiena.

Napag-alaman ng investigative committee ng PATAFA ang “misappropriated funds” ni Obiena na umabot sa EUR 61,026.80 o P3,661,608 na inilabas sa kanya ng Philippine Sports Commission at PATAFA na para dapat sa coaching fees ni Vitaly Petrov.

Samantala, inirekomenda rin ng PATAFA na sampahan ng reklamo si Petrov sa World Athletics dahil sa paglabag sa Integrity Code of Conduct at ideklara bilang persona non grata ang kanyang adviser na si James Lafferty.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *