Pastor Quiboloy, nagbigay ng ayuda sa pamilya ng pinaslang na mag-inang Gregorio

Pastor Quiboloy, nagbigay ng ayuda sa pamilya ng pinaslang na mag-inang Gregorio

NAGBIGAY ng maraming ayuda sa mga naulilang kamag-anak ng pinaslang na mag-inang Gregorio si Pastor Apollo C Quiboloy, ang Executive Pastor ng Kingdom of Jesus Christ o KJC.

Bago pa man tumulak papunta sa Paniqui, Tarlac ang SMNI News team ay hinanda na ang maraming ayuda para sa Pamilyang Gregorio mula kay Pastor Apollo.

Pinansyal na tulong, sandamakmak na mga grocery item at 6 na sakong bigas ang personal na iniabot ng SMNI News mula kay Pastor Quiboloy sa iniwang pamilya ng pinaslang na mag-inang Gregorio.

Tulong-tulong naman ang mga kaanak sa pagbuhat ng ayuda o tulong mula kay Pastor.

Nag-alay din ng bulaklak si Pastor Apollo para sa mga biktima.

Labis naman ang pasasalamat ni Mang Florentino kay Pastor Apollo sa tulong na ipinaabot nito.

Inamin din nito na televiewer siya at nanay nito sa mga programa ng Butihing Pastor.

“Yan si Pastor Quiboloy natutuwa ako dahil marami siyang natutulungan sa ganitong mga ano…nagpasalamat ako sa kanya dahil nakarating ang mga staff niya dito. Lalong-lalo na kung siya pa ang pumunta dito para personal kong makilala sana,” sambit ni Mang Florentino.

Una nang nagpahayag ng pagkondena si Pastor Apollo sa ginawa ng pulis sa mga biktima.

Aniya, hindi mapapatawad ang ginawang karumaldumal na krimen ng pulis na suspek.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *