Pastor Apollo: Wala nang ibang magaling na leader maliban kay Pangulong Rodrigo Duterte

Pastor Apollo: Wala nang ibang magaling na leader maliban kay Pangulong Rodrigo Duterte

NAGLABAS ng pahayag si Pastor Apollo C Quiboloy kaugnay sa pag-alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag-resign na bilang presidente dahil sa isyu ng korupsiyon na kinakaharap ng bansa sa gitna ng pandemya.

“Oo grabe ‘tong mga ano, yan ang mga ugali ng mga leader na Pilipinong nadidismaya ang ating presidente pagka nagkakita ng kunting pera o malaking pera nagiging satanas na no? San kaya tayo makita ng honest na presidente na tulad ng ating pangulo,” pahayag ni Pastor Apollo.

Ayon sa butihing Pastor na wala pa syang nakitang leader ng bansa na kasing tibay ni Pangulong Duterte sa pagpapairal ng tama kung kaya’t ang pagbibitiw nito sa puwesto ay hindi nararapat.

“Walang walang ibang presidente  nalaman kong nasa posisyon sa gobyerno na mismong kinakalaban niya mga ka-kasama niya sa gobyerno. Diba yung speech niya sa SONA sabi niya nalaman ko sa aking pag-aaral na ang kalaban ko mismo ang mga nasa gobyerno. Totoo yun eh. Kaya kinakasihan lang kayo ng Diyos oh. Kaya binigyan tayo ng pangulong ganyan,” ayon pa kay Pastor Apollo.

“Kaya nga heroic itong ating presidente eh, heroic ang ginagawa niya. Namamayat na siya at talagang talagang ah nauubos na angkanyang pasensya. Kasi kaliwa’t kanan kung magkakaroon ng pagkakataon mga dishonest nanakawin ang perang pinagkatiwala . Gagawa ng paraan para maging korap para magkapera para itago. Sarili ang pino-promote imbes ang bansa. Hindi ka ma-exacerbate niyan,” dagdag pa ng butihing Pastor.

Kasunod nito, ipinangako ni Pastor Apollo na isasali niya sa kanyang mga dalangin ang pangulo na magkaroon ng malusog na katawan at hahaba pa ang buhay lalo pa’t abala ito sa pagreresolba ng mga suliranin ng bansa gaya ng korupsiyon at COVID-19 pandemic.

“Kaya idalangin natin ang ating pangulo na lumawig pa siya. Kung ako lang gawin siyang malusog president for life wala na tayong mahahanap na katulad pa niya. Idalangin natin na ang lahat ng sakit ng kanyang katawan mawala,” wika pa ni Pastor Apollo.

Magugunitang sa pre-recorded message ni Pangulong Duterte noong Lunes ng gabi, sinabi nito na ibig nya nang magbitiw sa puwesto dahil sa corruption issues ng ilang mga opisyal.

“Ewan ko kung sasabihin ko ito sa inyo. I offer to resign as president. Tinatawag ko ‘yung lahat ng…sabi ko kasi nagsasawa na ako. In my years of government, wala na katapusan itong korupsiyon. Mahirap talagang  pigilin,” pagbunyag ni Pangulong Duterte.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *