Pastor Apollo, umaasa na mayroon pang susunod na Pangulong Duterte

Pastor Apollo, umaasa na mayroon pang susunod na Pangulong Duterte

MATAPOS mapanood ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ, ang huling SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, umaasa ang butihing Pastor na mayroon pang susunod na Pangulong Duterte sa pagpapalit ng administrasyon.

Naipahayag ito ni Pastor Apollo kasunod ng pagtatapos ng huling SONA ni Pangulong Duterte kahapon kung saan inabot ng mahigit sa dalawang oras ang ulat nito.

Mula sa kaniyang unang araw ng panunungkulan, mga programa at mga pangako sa bayan na unti-unting napunan at natupad hanggang sa pagtatapos ng kaniyang termino ilang buwan mula ngayon.

Para sa butihing Pastor, mahihirapan ang susunod na pangulo ng bansa, pero umaaasa siya na mayroong isang pang Pangulong Duterte na uusbong.

Ikinababahala rin ni Pastor Apollo na hindi magampanan nang maayos ang bansa lalot hindi pa rin nasasawata ang problema sa korupsiyon at iba pang naglalakihang usaping panglipunan kung saan tanging si Pangulong Duterte lang aniya ang nakapagpasiwalat ng mga ito.

Giit pa ng butihing Pastor, impluwensiya ng pera ang isa sa pinakamahirap na kapagsubukan ng sinumang politiko sa bansa na hindi magpapadala sa kapangyarihan ng pera kundi sa interes lamang ng bayan ang inuuna.

Pahabol pa ni Pastor Apollo, kung maaari lang aniya, baguhin ang konstitusyon ng bansa at gawing panghabangbuhay na pangulo si President Duterte.

Nanindigan naman si Pastor Apollo bilang tubong Dabawenyo, kaibigan at spiritual adviser ng pangulo, kilala niya si Duterte bilang isang tao na hindi mababayaran ng kahit anong halaga ng salapi.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *