Pastor Apollo, tiwalang aayusin ng telcos ang kanilang serbisyo

Pastor Apollo, tiwalang aayusin ng telcos ang kanilang serbisyo

TIWALA si Pastor Apollo C Quiboloy, ang Executive Pastor ng The Kingdom of Jesus Christ na aayusin na ng telecommunication providers o telcos ang kanilang serbisyo sa pagpapabilis ng internet sa bansa, kasunod ng pagsususpinde ng requirements sa pagkuha nito ng permits.

Kamakailan lang ay nagpahayag ang Palasyo na wala ng rason ang mga telco company para hindi gumanda ang kanilang serbisyo dahil kabilang sa nilagdaang Bayanihan Act 2 ay ang pagbibigay ng special power kay Pangulong Rodrigo Duterte na pansamantalang suspindehin ang requirements para makakuha ng permits sa pagtatayo ng telcos at internet infrastructure sa bansa.

Sa programang Powerline, nagpasalamat si Pastor Apollo dahil natupad ang kanyang hiling na mapaganda na ang serbisyo ng internet sa bansa.

“Matagal ko nangsinasabi‘yan‘diba? Tayo ang may pinakamabagal [na internet] yata sa buong sanlibutan, kahit mga bansang kulelat eh napakaganda ng kanilang mga serbisyo. Itong telco na ito ewan ko kung ano’ng nasa utak ng mga taong ito, puro lang pera yata. Pero Salamat tayo nagkaroon na rin ng sagot ang mga hinaing natin na ibinirodcast ko dito sa pagkakaroon ng Bayanihan Act 2 na magbibigay ng ‘special power’ kay Pangulong Duterte na pansamantala ng suspendihin ang mga requirement sa pagkuha ng permit.‘Pag hindi kayo nagsikap, hindi kayo makakuha niyan. So, gandahan na niyo, ayusin na ninyo para na sa tao hindi na para sa bulsa ninyo. Puro lang kasi… ang tao very selfish ewan ko ba bakit sarili lang ang nakikita. So ‘yung mga hinaing natin magkakaroon na nang katuparan.”

—Pastor Apollo C. Quiboloy, Executive Pastor, The Kingdom of Jesus Christ

 

Matatandaang noong Mayo ngayong taon ay nagpahayag si Pastor Apollo na idadalangin niyang mapabilis ang internet service at ipa-stop ang mga may-ari ng telco na hindi aayusin ang kanilang serbisyo.

Samantala, ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, na lahat ng pending at new applications para sa pagpapatayo ng bagong cell sites, cell towers, roull-out ng fiber at iba pa ay kinakailangang madesisyunan sa loob ng seven working days mula sa araw ng matanggap ang date of application.

Kung walang aksiyon ayon kay Roque, deemed approved na ang isang application.

Dagdag pa ng Presidential spokesman, binigay na sa mga telco company ang lahat, kaya wala ng lusot ang mga ito kung palpak pa rin ang kanilang serbisyo.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *