Pastor Apollo, sinisiraan ng CPP-NPA-NDF sa paninindigan laban sa insurhensya- Usec. Badoy

Pastor Apollo, sinisiraan ng CPP-NPA-NDF sa paninindigan laban sa insurhensya- Usec. Badoy

IGINIIT ni NTF-ELCAC  Spokesperson Undersecretary Lorraine Marie T. Badoy na sinisiraan ng CPP-NPA-NDF si Pastor Apollo C. Quiboloy, ang Chairman ng SMNI News na kung saan umeere ang programang Laban Kasama ang Bayan.

Ito’y matapos sinisiraan ni Gabriela Rep. Arlene Brosas ang butihing Pastor sa privilege speech ng isang communist front sa kamara.

Patungkol sa kaso na isinampa laban sa butihing Pastor para siraan ang kanyang pangalan sa Amerika.

Ang sex trafficking charges ay inaasikaso na ngayon ng mga abogado ni Pastor Apollo.

Ayon sa legal counsel ng ‘The Kingdom of Jesus Christ, ang mga may pakana sa kaso ngayon sa California ay ang mga taong nasa likod din ng tangkang pagpapabagsak sa butihing Pastor noong 2018 sa Hawaii.

Tiwala ang kampo ni Pastor Apollo na lalabas din ang katotohanan.

At hindi makakahadlang ang kasong ito sa paglago ng bansang kaharian.

Samantala, sa kabila ng paninira kay Pastor Apollo ay hindi makondena ng Gabriela ang sariling bakod.

Tulad na lamang ng testimonya ng dating NPA cadre na si Ka Shane na inabuso ng mga opisyal sa loob ng kilusan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *