Pastor Apollo Quiboloy, hindi isinasantabi ang posibilidad sa pagtakbo sa 2022 presidential race

Pastor Apollo Quiboloy, hindi isinasantabi ang posibilidad sa pagtakbo sa 2022 presidential race

MAPIPILITANG magdesisyon si Pastor Apollo Quiboloy, Executive Pastor ng Kingdom of Jesus Christ at Chairman ng SMNI, na tumakbo sa 2022 presidential race kung wala itong makikita na karapat dapat na pumalit kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“Sana hindi ako i-declare na nuisance candidate kasi meron akong kakayahan mas higit pa sa inyo kahit wala akong partido, Diyos ang partido ko. Meron akong kakayahan sa lahat ng bagay na gagawin ko, huwag ninyo biru-biruin ito kasi Pilipinas ang nakataya dito at isa ako sa hindi papayag ngayon pa na hinaharangan niyo ang NTF-ELCAC.”

Ito ang naging pahayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa live program niya na Powerline.

Hindi isinasantabi ng Executive Pastor ng The Kingdom of Jesus Christ ang posibilidad sa pagtakbo sa 2022 Presidential elections.

Ayon kay Pastor Apollo na kapag pinal na ang kaniyang desisyon ay kaniyang isusulong ang matagal na nitong ikinakampanya na mawakasan ang panlilinlang at mga karumaldumal na ginagawa ng komunistang grupong CPP-NPA-NDF.

BASAHIN: Pastor Apollo, hinangaan ng NCRPO sa katapangan nito kontra CPP-NPA-NDF

Isa si Pastor Apollo sa mga personalidad sa bansa na bokal ang suporta sa mga programa ng pamahalaan kontra CPP-NPA-NDF na pinangungunahan ng NTF-ELCAC.

“Kapag ako ay nakapag-decide at kalooban ng Ama…hindi ninyo ako maiiwasan kayo mga CPP-NPA lovers ‘pag tumakbo kayo sa pagkapangulo haharapin ninyo ako may platform din ako,” ani Pastor Apollo.

May hamon naman si Pastor Apollo sa senador na nagsampa ng kaso laban sa kaniya na nagdeklara ng kaniyang intention sa pagtakbo sa pagkapangulo.

“Hindi ko kayo sasantuhin sa mga debate natin, ikaw hindi ka na makakaiwas …about doon sa inakusa mo sa akin hindi na ako mag-uusap doon dahil nasa kamay na ng mga abogado doon tayo sa korte magkita niyan pero baka magkita tayo sa entablado sa isang marangal at maginoo na debate hindi ka na makakaiwas kasi nag-declare ka na hindi ka na makakaiwas at ang iba pa riyan na tatakbo,” hamon ng butihing Pastor.

Pinuna ni Pastor Apollo ang pabago-bagong paninindigan ni Senator Manny Pacquiao lalong-lalo na sa usapin ng LGBTQ.

“’Yung taong pabago-bago ay hindi dapat pagkatiwalaan. Ano ang paninindigan mo? Ako, ganito ang paninindigan ko sa LGBTQ; sa civil rights ninyo, sa human rights ninyo ipagtatanggol ko kayo. Meron kayong karapatan sa lahat ng bagay bilang Filipino citizen. Meron kayong karapatan sa empleyo, sa karapatan sa entertainment, at sa anuman ang papasukin ninyo. Pero iba din sa ispiritwal tatayo din ako doon pero hindi ko yun isinasaksak sa mga tao na ayaw pero hindi ko babaguhin yun kung ano ang sinabi run ispiritwal yun. Pilipino ako kung ang bansa ang pinag-uusapan constitution, ang bibliya ko pagka pinag-uusapan kaligtasan ng kaluluwa ito ang bibliya ko mga salita ni Jesus Christ. Pagka pinag-uusapan ang bansa ang bibliya ko ang constitution diyan ako magbabase sapagkat yan ang interes ng mga Pilipino yan ang national interest ng Pilipinas poprotektahan natin yan,” ayon pa sa butihing Pastor.

Binigyan diin ni Pastor Apollo na ang susunod na pangulo ng bansa ay tutuloy ang mga nasimulan ni Pangulong Duterte.

Malayo na aniya ang narating ng Duterte Administration at susunod na administrasyon kaya ang hamon ni Pastor Apollo sa susunod na mamuno ay dapat may kakayahang humarap ng problema ng bansa.

“’Yan ang mga dapat harapin na problema ng isang tagapamuno problema ang harapin hindi pangako ng pangako, problema,” saad ni Pastor Apollo.

Magsisimula ang filing of candidacy ng lahat ng mga tatakbo sa pagkapangulo, bise presidente, senador at partylist representative ngayon Oktubre 1 hanggang Oktubre 8 at aabangan ng lahat ng Pilipino ang magiging desisyon ni Pastor ApolloC. Quiboloy kung tatakbo ito o hindi.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *