Pastor Apollo: Pulis na sangkot sa pagpaslang sa Tarlac hindi na dapat palayain

Pastor Apollo: Pulis na sangkot sa pagpaslang sa Tarlac hindi na dapat palayain

HINDI na dapat pang palayain ang pulis na sangkot sa pagpaslang sa mag-ina sa Tarlac ayon kay Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ.

Ito ay sa ginawang pagpatay ng pulis na kinilalang si Senior Master Sergeant Jonel Nuezca kay Sonya Gregorio at sa anak nitong si Frank Anthony Gregorio sa bayan ng Paniqui, Tarlac nitong Linggo ay walang kapatawaran.

Ayon kay Pastor Apollo, ang ginawang krimen ng pulis ay karapat-dapat sa death penalty.

Hindi katanggap-tanggap para kay Pastor Apollo na ang isang pulis na ang mandato ay magbibigay proteksiyon sa publiko ang nagiging mamatay tao.

Naniniwala si Pastor Apollo na hindi dapat idamay ang buong Philippine National Police (PNP) ang naging pagkakamali ni Nuezca.

Pinatutyadahan naman ni Pastor Apollo ang pagsakay sa isyu ng mga komunistang grupo na walang ibang  motibo kundi sirain ang gobyerno at gumawa ng dahilan upang magalit ang taumbayan sa buong kapulisan.

Para kay Pastor Apollo, kung magkagawa man ng pagkakamali ang isang pulis ay siguradong mananagot ito sa batas dahil ito aniya ang nakasaad sa kanilang polisiya hindi tulad ng CPP-NPA-NDF.

Una nang sinabi ng PNP na inihahanda na ang pagsasampa ng reklamong double murder laban sa suspek na pulis at magsasaggawa rin ng imbestigasyon para sa administrative case laban dito.

Inihalintulad pa ni Pastor Apollo sa kwento ng apostoles na may isa na nagtaksil o sa isang pamilya na mayroong black sheep ay hindi nangangahulugang maisisisi na sa lahat ng apostoles o sa buong pamilya ang pagkakamali ng isa.

Matatandang nagpahayag din si Interior Secretary Eduardo Año na sa kabila ng ginawang pagpaslang ni Nuezca ay hindi aniya maituturing kasalanan ng buong Philippine National Police.

Aniya, napatunayan naman ng ating mga kapulisan na ginagampanan nito ang kanilang mandato na protektahan at isulong ang kapakanan ng publiko sa pamamagitan ng pag-alay ng kanilang buhay sa gitna ng COVID-19 response ng pamahalaan.

“The sin of Nuezca is not the sin of the entire Philippine National Police. As we have seen during this pandemic, they place their very lives on the line as frontliners in our COVID response,” ani Año.

Sinabi din ni PNP Chief Debold Sinas na isolated case ang ginawang krimen ni Nuezca at mananatili at hindi magbabago ang sinumpaan ng 221,000

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *