Pastor Apollo, pinag-iingat si Senador Pacquiao sa mga pinagsasabi nito

Pastor Apollo, pinag-iingat si Senador Pacquiao sa mga pinagsasabi nito

PINAG-IINGAT ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ si Senador Manny Pacquiao kaugnay sa umano’y pinagsasabi na fake news.

Kaninang umaga ay tinaggihan ni Pacquiao ang hamon na debate ni Pastor Apollo at tinawag pa niya itong psychologically imbalanced na agad namang sinagot ng butihing Pastor sa kanyang programa.

‘’Kaya Senador Manny Pacquiao ang advice ko sayo, mag-ingat ka sa mga pinagsasabi mo because you are a duly elected official, hindi lahat ng lumalabas sa bibig mo ay hindi mo napapangatawanan, hindi mo pwedeng tayuan. Paano ka sasandigan ng taumbayan kung ang sinasabi mo ay hindi mo kayang pangatawanan,’’ayon kay Pastor Apollo.

Ito ang naging sagot ni Pastor Apollo C. Quiboloy kay  Pacquiao matapos siyang tawagin ng senador na psychologically imbalanced.

Nitong umaga lang, sa isang media interview ay tinanggihan ni Pacquiao ang hamon na debate ni Pastor Apollo kaugnay sa posibleng korupsiyon sa P3.5 bilyong Philippine Sports Traning Center na ipinanukala ng senador.

Matatandaan na hinamon ni Pastor Apollo si Pacquiao sa isang debate, matapos nagbanta ang senador na magsasampa siya ng kaso sa Executive Pastor ng The Kingdom of Jesus Christ dahil sa paninira at pagpapakalat ng fake news.

Sa kanyang programang Powerline ngayong araw ay nilinaw  ni Pastor Apollo na hindi siya ang unang nagpakalat ng fake news kaugnay sa nasabing issue.

“Ito yung mga issue natin, yung 3.5 billion na Saranggani Sports Training Center o Philippine Sports Training Center na sinabi mo sa Bataan yun. Ikaw ang nagfa fake news, Saranggani yun. Tumatawa ka pa nga at nagpapasalamat. Nilagay nyu pa sa news na nagpapasalamat ka at inaprubahan pa ng pangulo. Tapos nililihis mo? Sino ang nagfa-fake news ngayon?,’’ayon sa butihing Pastor.

Pinuna din ni Pastor Apollo ang pagiging judgmental ni Pacquiao, kung bakit nararamdaman nito na sinisiraan siya tuwing tinatanong.

‘’Ang tanong at ang paninira ay iba. You are a public official, ‘pag may nagtanong, ako a private citizen at ang iba na tumatawag sa akin dito, ay sagutin mo ng matuwid. Eh binibigyan na nga kita na paraan na sagutin eh. Sinabi ko sayo papuntahin mo dito ang kinatawan mo o ikaw. Mayroon palang project dyan sa inyo na local, 500 million. Itong 3.5 million saan nagpasimula ano na ang nangyari at ano na ang kinalooban nito? Paninira ba yun?’’ tanong ni Pastor Apollo.

Sa parehong programa ay muling sinabi ni Pastor Apollo na nakahanda syang harapin kung ano man ang isasampang kaso ni Pacquiao laban sa kanya.

Sa katunayan ay nakahanda aniya ang lahat ng video na magpapatunay na hindi niya sinisiraan si Pacquiao sa pamamagitan ng pagpapakalat ng fake news.

Sinabi din ni Pastor Apollo na posible rin syang magsampa ng kasong libel laban kay Pacquiao matapos syang tinawag na psychologically imbalanced.

‘’So sinabi mo hindi ka makikipagdebate sa akin dahil psychologicall imbalanced ako, saan mo nakuha yun? Mayroon bang isang medical clinic kung saan nakakuha ka ng information na ako’y nagpatingin at sinabi ng isang medical professional na sinabi na si Pastor Apollo Quiboloy ay psychologically imbalanced, sa sinabi mong ito ay pwede kitang idemanda eh, libelous ito eh. Kaya mag-ingat ka sa sinabi mo, ikaw ang naninira,’’ayon sa butihing Pastor.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *