Pastor Apollo, hinangaan ng NCRPO sa katapangan nito kontra CPP-NPA-NDF

Pastor Apollo, hinangaan ng NCRPO sa katapangan nito kontra CPP-NPA-NDF

PERSONAL na nagpaabot ng kanyang paghanga para kay Pastor Apollo Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ si NCRPO Chief Police Major General Vicente Danao Jr dahil sa matapang na pangunguna at pagkondena ng butihing Pastor kontra Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa bansa.

Makailang beses nang nagpahayag ng kanyang matapang na pagkondena laban sa komunistang teroristang grupo na CPP- NPA-NDF sa bansa si Pastor Apollo na chairman ng Sonshine Media Network International (SMNI).

Ayon kay Pastor Apollo, limang dekada nang namamayagpag ang problema ng CPP-NPA-NDF.

Maraming buhay ang nasira, maraming buhay ang nawala.

Maraming pamilya ang hanggang ngayon ay nananawagan na mabuo dahil sa mga panlilinlang na ginagawa at patuloy na ginagawa ng mga komunista sa bansa.

Bagay ani Pastor Apollo na dapat nang putulin ito ngayon.

Bukod sa mga kabataan at inosenteng mga pamilya at sibilyan, naniniwala rin si Pastor Apollo na hindi lang sa mga bundok at kabayanan nananalasa ang armadong pag-aaklas ng mga NPA kundi maging sa politika ay pinasok na rin ng mga ito.

Sang-ayon dito si NCRPO Chief Police Major General Vicente Danao Jr.

Ayon sa heneral, napapanahon ang pagtatanggol ni Pastor Apollo para sa bayan laban sa mga komunista at sa pamunuan nito.

Sa eksklusibong panayam ng SMNI News sa heneral, personal itong nagpaabot ng kanyang paghanga sa butihing Pastor  dahil sa nag-aalab na malasakit nito sa bansa.

Dagdag pa ng heneral, ikinatutuwa nito ang patuloy na pakikibaka ni Pastor Apollo upang makamit ang mararapat na hustisya sa mga taong matagal nang napasailalim sa pang-aapi ng mga teroristang grupo na ito.

Bukod sa butihing Pastor, pinasalamatan din ni General Danao ang SMNI kung saan chairman si Pastor Apollo dahil sa mga programa nito na layong magbigay ng buong katotohanan sa mga iligal na mga aktibidad ng CPP-NPA-NDF.

Naniniwala ito sa patas at makatotohanang pagbabalita ng SMNI News lalo na sa pagkondena sa karahasan at pagkampi sa katarungan at kapayapaan.

Sa ngayon patuloy ang pamamayagpag ng programang “Laban Kasama ang Bayan” na kinakasangkapan sa paghahatid ng mas malalim na pagtalakay sa mga isyu na may kaugnayan sa karahasan, pang-aapi at panlilinlang ng komunistang teroristang grupo sa bansa.

Habang tumatagal, iba’t ibang mukha ng pang-aabuso at kalupitan ng CPP-NPA ang ipinapakita ng programa habang unti-unting tinutulungan ang publiko na mamulat sa katotohanan mula sa mapait na sinasapit ng mga kabataan at inosenteng sibilyan sa kamay ng mga rebelde

Sa huli, patuloy din ang pakiusap ng pamahalaan na magsipagbalik loob ang mga ito sa lipunan tungo sa mas de kalidad na pamumuhay sa bayan.

BASAHIN: Laban ng pamahalaan kontra NPA, mas matindi kaysa sa COVID-19 —Pastor Apollo

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *