Pastor Apollo C. Quiboloy, tinawag na talunan ang mga rebeldeng CPP-NPA-NDF

Pastor Apollo C. Quiboloy, tinawag na talunan ang mga rebeldeng CPP-NPA-NDF

TALUNAN na kung ituring ni Pastor Apollo Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ ang mga natitira pang miyembro ng CPP-NPA-NDF.

Sa kanyang live TV program na Powerline, muling iginiit ni Pastor Apollo ang kakulangan na ng suporta ng mga miyembro ng CPP-NPA sa bansa.

Ito’y sa kabila ng patuloy pa rin na banta na ginagawa ng mga ito sa iba’t ibang panig ng bansa gaya ng mga extortion at pananakot.

Giit ni Pastor Apollo, pera-pera na lang ang ipinaglalaban ng mga ito.

Kaya naman huling pakiusap ng butihing Pastor magsibaba ang mga ito sa lipunan at yakapin ang pagbabago na ipinagkakaloob ng gobyerno sa kanila.

Samantala, hindi na rin napigilan ng butihing Pastor na kondenahin ang mga iba’t ibang grupo o indibidwal na patuloy na sumusporta sa mga ideolohiya ng mga makakaliwang grupo kung kaya’t malakas pa rin ang loob ng mga ito na maghasik ng takot sa mga kabayanan o komunidad na kayang impluwensiyahan ng kanilang maitim na doktrina.

Isa sa mga tinukoy ni Pastor Apollo ang ilang simbahan na kadalasay nagiging tulay sa pagkakanlong ng mga rebelde.

Payo pa ni Pastor Apollo sa ganitong usapin, pulitikong may paninindigan ang kailangan ng bansa para hindi lang kondenahin kundi puksain ang mga salot sa lipunan.

BASAHIN: Pastor Apollo C. Quiboloy, pabor sa pagsasapubliko sa pangalan ng mga suspected terrorist

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *