Pastor Apollo C. Quiboloy sa guilty verdict laban kay Trillanes: ‘No one is above the law’

Pastor Apollo C. Quiboloy sa guilty verdict laban kay Trillanes: ‘No one is above the law’

AYON kay Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ sa kanyang live program na Powerline noong Miyerkules, na “No one is above the law”.

Naging pahayag ito ng butihing Pastor kasunod ng desisyon ng Makati City Regional Trial Court sa kasong libel ng dating senador na si Antonio Trillanes IV dahil sa sa kanyang pahayag noong April 2015 laban kay dating Makati Mayor Junjun Binay sa umano’y ‘justice for sale’ o panunuhol sa mga mahistrado ng Court of Appeals.

“Ang masasabi ko diyan: No one is above the law. O ngayon, nagkortehan sila. Pumunta sa korte si Junjun Binay, tapos inakusahan si former Senator Sonny Trillanes IV ng libel. Sabi nung accusation the purpose of this Trillanes doing this is to malign, to discredit, to ruin my reputation and besmirch my good name as well that of my family. ‘Yun ang akusasyon ni Binay sa libel case niya, binigay ‘yun sa korte. Tinimbang ng korte ‘yun because no one is above the law. We have to go to court for any grievances that we have. Eh, napatunayan ng husgado na totoo naman ‘yung basehan ni former Senator Sonny Trillanes IV nahatulan siya na guilty s’ya sa libel,” pahayag ni Pastor Apollo.

Sa desisyon ng Makati RTC Branch 148, sinabi ni Judge Andres Soriano na hindi dapat naglabas ng pahayag si Trillanes laban kay Binay ng walang verification at imbestigasyon.

Binigyang-diin ni Pastor Apollo na kahit may karapatan din si Trillanes na ipahayag ang kanyang sentimyento ngunit napatunayan na ng korte na ang kanyang layunin ay sirain ang dating alkalde na si Junjun Binay.

“Meron din naman siyang karapatan na magsabi ng ganoon dito sa sinabi niya: That is the price to pay for standing up against very powerful people. So, parang sinasabi mo pa na na-bribe niya ‘yung, kinampihan siya ng husgado dahil powerful siya. Eh, kung nakapagbitiw ka ng salita to besmirch, to malign, to discredit and ruin reputation, napatunayan. That is not really that they are powerful [although they are not], maybe there’s something in their name also that they are powerful but when it comes to the justice system, kaya meron ngang piring yung babae doon para walang kakampihan kung ‘di ‘yung matuwid o yung may grievance for justice. So, ‘yun ang nangyari at ngayon na-guilty ka ng libel, ako nga karamihan dito ni-libel ako di ba? Ngayon haharapin nila ‘yung libel case na ganoon. So ganoon yun, no one is above the law, it’s the simple answer,” ayon sa butihing Pastor.

Pinagbabayad ng korte si Trillanes kay Junjun Binay ng P500,000 bilang moral damages pati na rin ang gastos sa demanda sa batas, at multa na P100,000.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *