Pastor Apollo C. Quiboloy, pinarangalan bilang ‘Humanitarian Pastor of the Year’

Pastor Apollo C. Quiboloy, pinarangalan bilang ‘Humanitarian Pastor of the Year’

KINILALA bilang ‘Outstanding Humanitarian Pastor of the Year’ si Reverend Doctor Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name sa 20th Gawad Amerika Awards na ginaganap sa Hollywood, California.

Kinilala ang butihing pastor sa napakarami nitong humanitarian efforts at pakikipagkapwa-tao kahit sa gitna ng pandemya.

Lalo na sa mga taong hirap sa buhay at nakatira sa mga liblib na lugar at mga kanayunan sa Pilipinas na nasalanta ng iba’t ibang kalamidad.

Ang tulong ng butihing pastor ay hindi lamang nalilimita sa Pilipinas ngunit naihahatid din ito maging sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ito ang pangatlong pagkakataon na binigyan si Pastor Apollo ng parangal mula sa Gawad Amerika Foundation dahil sa kanyang natatanging pamumuno at pilosopiya.

Una syang pinarangalan noong 2013 habang ginawaran sya bilang ‘International Pastor of the Year’ noong nakaraang taon.

Samantala, kinilala rin ang SMNI USA bilang ‘Most Outstanding Filipino-American Documentary News Media of the Year’ na pinapangunahan din ng butihing pastor.

20th Gawad Amerika Awards, Hollywood, California.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *