Pastor Apollo C. Quiboloy, pabor sa pagsasapubliko sa pangalan ng mga suspected terrorist

Pastor Apollo C. Quiboloy, pabor sa pagsasapubliko sa pangalan ng mga suspected terrorist

TIWALA ang Founder at Executive Pastor ng The Kingdom of Jesus Christ na si Pastor Apollo C Quiboloy na layunin ng pamahalaan kung bakit sa ilalim ng implementing rules and regulations ng Anti-Terrorism Act of 2020 ay isasapubliko ang pangalan ng sinomang suspected terrorist.

“Ako’y umaasa at nagtitiwala sa pamahalaan na ginagawa nila ang tama ‘pag sila’y nagpalabas ng pangalan isinapubliko at ito ay may kinalaman. Kung wala naman siguro at nagkalamali ay maaari namang humingi ng patawad at bawiin ‘yun sa publiko rin. Pero mas mahusay na itong pinapasapubliko, public knowledge na itong mga taong ito kung minsan katabi natin hindi natin alam terorista na pala. Oh eh di mas magaling ‘yun para sa ating mga law abiding,” pahayag ni Pastor Apollo.

Sa ilalim ng IRR, maaaring isapubliko ng pamahalaan ang mga taong matutukoy na terorista bago sila bigyan ng oportunidad na makaapela.

Sa live broadcast ng kanyang programang Give Us This Day, sinabi ni Pastor Apollo na mayroong dahilan ang pamahalaan kung bakit aniya ito naisip gawin; binigyang-diin din ng butihing Pastor na siguradong may basehan ang pamahalaan bago ito isapubliko.

“Marahil naman ang ahensya ng gobyerno na gumagawa nito under sa pamuno ng ating presidente. Hindi naman basta-basta lang magpapalabas ng pangalan at isasapubliko kung talagang wala silang enough na ebidensya dito. Kasi masisira yung pangalan ng isang tao ‘pag ah yan ay isinapubliko at ipinailalim sa public scrutiny o public knowledge kung wala silang sapat na ebidensya o kaalaman na talagang ang taong ito ay involve sa terrorism. So, ‘yung nasa pamahalaan natin hindi gagawa ng ganun kung wala silang sapat na hinahawakang ebidensya na ito pala talagang kasama sa terorismo. Tulad din sa drugs. Diba ‘yung isanasapubliko ng ating presidente ang mga involve sa drugs na ‘yan. Hindi nila ilalabas ‘yon na wala silang pinanghahawakang ebidensya. So ganito rin dito,”
aniya pa.

Dagdag pa ni Pastor Apollo na tiwala siyang hindi gagamitin ng pamahalaan ang batas para makasira ng tao.

Wala dapat aniyang ikatakot ang publiko kung hindi naman ito gumagawa ng paglabag sa batas

 “Ako’y nagtitiwala sa ating pamahalaan na hindi nila gagawin ‘yung sisirain ang tao dahil ginagamit lang nila ang Anti-Terrorism Act of 2020 para sirain ang tao. I don’t think the government will do that. Pero ‘pag may nilabas ang ating gobyerno na ganyan na involve sa terorista; kung wala kang kinalaman huwag kang matakot. Kung wala ka talagang kinalaman.  Pero ‘pag may kinalaman ka ito na ang dpaat mong katakutan kasi hindi na ito, hindi na ito nakatago ano na ‘to transparent na ‘to. Malalaman na ng lahat kung sino ka. Magaling yun para sa ating mga law abiding, god-fearing and law abiding maganda sa atin ‘yun,” dagdag ni Pastor Apollo.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *