Pastor Apollo C. Quiboloy, nanawagan sa PRC na ituloy ang COVID-19 testing

Pastor Apollo C. Quiboloy, nanawagan sa PRC na ituloy ang COVID-19 testing

NANAWAGAN si Pastor Apollo C Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ sa Philippine Red Cross na ituloy ang isinasagawang COVID-19 testing sa kabila ng pagkakautang ng pamahalaan dito.

Matatandaang nagdesisyun ang PRC na itigil muna ang pagsasagawa ng swab tests dahil sa kabiguan ng PhilHealth na bayaran ang aabot sa halos isang bilyong utang nito para sa nasabing swab testings na kanilang naisagawa.

Noong Sabado naman ay nangako ang PhilHealth na babayaran na nito ang utang ngayong Lunes pero nabigo ang ahensiya na tuparin ang pangako.

Dahil dito, dismayado si PRC Chairman Richard Gordon lalo na’t nagpa-charter ang PRC ng biyahe sa China ngayong Martes para makakuha ng COVID-19 test kits na nagkakahalaga ng 6-8 milyong dolyar, pero dahil hindi nakabayad ay kinailangan nilang kanselahin ito.

Sa kanyang programang Powerline ngayong Martes, sinabi naman ni Pastor Apollo na huwag ihinto ang pagbibigay ng COVID testing lalo na’t para naman ito sa ikabubuti ng bansa.

Tiwala ang butihing Pastor na mababayaran ito ng pamahalaan.

“Nangako naman ang ating presidente na babayaran niya ‘di ba? So, ipagpatuloy dahil makakapagbayad naman ang gobyerno. Huwag naman ninyo i-hold, para sa kabutihan ng bansa natin ‘yun. Basta nangako ang ating presidente na magbabayad, patuloy, kahit hindi pa nabayaran lahat,” pahayag ni Pastor Apollo.

Matatandaan din na nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na mababayaran ng pamahalaan ang utang sa Philippine Red Cross.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *