Pastor Apollo C. Quiboloy, namahagi ng mga motorsiklo ilang araw bago ang kanyang kaarawan

Pastor Apollo C. Quiboloy, namahagi ng mga motorsiklo ilang araw bago ang kanyang kaarawan

MAHIGIT limampung motorsiklo ang ipinamahagi ni Pastor Apollo C. Quiboloy, Executive Pastor ng The Kingdom of Jesus Christ, para sa mga frontline workers sa Davao City.

Ginanap ang pamamahagi ng nasabing mga motor ilang araw bago ang kaarawan ng butihing Pastor sa loob ng Kingdom of  Jesus Christ (KJC) Compound sa Lungsod ng Davao.

Sinabi ni Pastor Apollo, sa kabila na walang mangyayaring programa kagaya ng malawakang International Children’s Day (ICD) at iba pang mga programa dahil sa umiiral na pandemya, may magandang program namang inihanda ang butihing Pastor.

“Sama karon sa mga functionaries nato, ug sa tanan na mga angayan, sa atong mga frontliners, duna tay mga gasa, na ilang magamit sa ilang ministry mao ni ang mga bag-o na mga motorsiklo na magamit nila [Kagaya ngayon sa mga functionaries natin, at sa lahat ng mga karapat-dapat, sa ating mga frontliners, mayroon tayong regalo na mga bagong motorsiklo na kanilang magagamit sa kanilang ministry],” pahayag ni Pastor Apollo.

Sa Abril 25 ay patuloy na ipagdiriwang ni Pastor Apollo ang kanyang kaarawan at sabay-sabay itong gaganapin sa buong mundo ng lahat ng Kingdom Citizens sa mga Kingdom Light Colonies (KLCs).

Sa panahong iyon ay inaasahan namang magbibigay ng kanyang talumpati ang butihing Pastor na mapakikinggan sa pamamagitan ng virtual sa lahat ng mga Kingdom Citizens.

(BASAHIN: Pastor Apollo C. Quiboloy, agarang nagpahatid ng tulong sa Surigao del Sur)

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *