Pastor Apollo C. Quiboloy, nakatakdang mamahagi ng relief goods sa La Trinidad, Benguet

Pastor Apollo C. Quiboloy, nakatakdang mamahagi ng relief goods sa La Trinidad, Benguet

NAKATAKDANG mamahagi ng relief goods si Rev. Dr. Pastor Apollo C. Quiboloy, sa La Trinidad, Benguet na sinalanta ng Typhoon Maring.

Nakahanda na ang libo-libong baldeng punumpuno ng mga basic necessities gaya ng bigas, de-lata, toyo, suka, faceshields, facemasks, cooking oil, asukal, coffee, noodles,  at iba pa at libo-libong gallons ng tubig na maiinom para sa mga nasalanta ng Bagyong Maring.

Hindi matatawaran ang napakalaking pag- ibig ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus at chairman ng Sonshine Media Network International (SMNI) para magpaabot sa mga taong nangangailangan saan man dako dito sa ating bansa.

Isasakatuparan ang nasabing pamamahagi ng relief goods sa pamamagitan ng SMNI Foundation Inc., SMNI News, Children’s Joy Foundation Inc. at Sonshine Philippines Movement (SPM).

Tuloy-tuloy ang pagtutulungan at pagsama-sama ng mga volunteer’s ng SMNI Foundations Inc. at iba pang mga organisasyon sa pangunguna ni Pastor Apollo.

Tutungo sa La Trinidad, Benguet ang team ng SMNI Foundation Inc. sa Baranggay Puguis.

Sa ngayon ang mga volunteers ay biseng busy na nagtutulungan at naghahanda, sa mga dadalhin papunta sa La Trinidad, Benguet na aabot sa higit 5,000 na mga residente na makakatanggap mula sa butihing Pastor.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *