Pastor Apollo Quiboloy
Kingdom News National

Pastor Apollo C. Quiboloy, nagpaabot ng tulong sa mga nasalanta ng Taal Volcano eruption

MATAPOS ang panalangin ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ para sa mga naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal ay agad siya nagpadala ng ayuda sa mga nasalanta at pansamantalang nakatira sa Sto. Tomas North Central Elementary School.

Katuwang ni Pastor Apollo ang Children’s Joy Foundation Inc., Sonshine Philippines Movement at Sonshine Media Network International ay ipinaabot nito ang tulong na higit pa sa pangangailangan ng mga nasa evacuation site.

Daan-daan ang pumila mula sa balde na naglalaman ng mga relief goods gaya ng bigas, canned goods, noodles, biscocho, biscuit, bihon, kape at gatas.

Saka lilipat ng pila para naman sa beddings, blanket at personal hygiene kit dahil alam ni pastor apollo na hindi kumportable sa mga kababayan natin ang tumira sa evacuation site.

Hindi pa nagtatapos ang tulong diyan ni Pastor Apollo dahil tubig ang isa sa pinakakailangan ng mga evacuees kaya nagbigay ito ng isang 5-gallon water at isang case na naglalaman ng 24 bottles mg 500ml mineral water.

Akala ng mga evacuees ay tapos na ang tulong sa kanila.

Hindi pinalampas ni Pastor Apollo Quiboloy na mabigyan ng hot meals ang bawat tao sa evacuation site na maaga pa lang pumila na.

Kaya ipinaabot ng mga evacuees ang abot langit na pasasalamat nila kay Pastor Apollo.

Maging ang batikang broadcaster ng SMNI na si Mike Abe at Sto. Tomas, Batangas Mayor Edna Sanchez sa tulong na ibinigay ni Pastor Apollo Quiboloy.

Si Pastor Apollo ay kilalang philantrophist sa dahil sa mga humanitarian activities nito hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

Kaya asahan si Pastor Apollo at mga partners nito mula sa CJFI, SPM at SMNI na magpaabot ng tulong sa mga nangangailangan kahit saan man sila sa mundo.

POL MONTIBON

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *