Pastor Apollo C. Quiboloy, nagpaabot ng relief operations sa mga nasalanta ng bagyo sa Marikina City

Pastor Apollo C. Quiboloy, nagpaabot ng relief operations sa mga nasalanta ng bagyo sa Marikina City

NAGLUNSAD ang Sonshine Media Network International o SMNI relief operations sa mga nabiktima ng nagdaang bagyong Ulysses sa Marikina City bilang bahagi ng humanitarian efforts ni Pastor Apollo C Quiboloy, ang chairman ng SMNI para sa mga nangangailangan nating kababayan sa panahon ng kalamidad.

Ang nasabing relief operations ay sa pakikipagtulungan ng Children’s Joy Foundation Inc. (CJFI) at ng Sonshine Philippines Movement (SPM) ni Pastor Apollo na isinagawa ngayong araw para sa mga biktima ng Bagyong Ulysses.

Nasa mahigit 300 pamilya naman ang nabigyang ng tulong ng SMNI sa Sto Niño Elementary School sa Marikina City.

Tumutuloy pansamantala ang mga residente ng Sto Niño sa nasabing paaralan, at ilang mga taga-Malanday na nabahaan.

Kabilang sa sponsor ng relief operations ang Galillee Purified Drinking Water na isa sa mga advertiser ng SMNI na supportive sa humanitarian ni Pastor Apollo Quiboloy.

Naglaan ang Galillee Water ng isang dosenang bottled water sa bawat pamilya.

Kabilang naman sa ipinamahagi sa naturang relief operations ay isang balde na puno ng mga relief good kagaya ng limang kilong bigas, canned goods, dalawang dosenang 3 in 1 coffee, tig-iisang bote ng toyo at suka, isang malaking pakete ng pansit.

Namigay rin ang SMNI ng pandemic pack na may lamang faceshields, alcohol, face masks.

Bukod sa ayuda, namigay rin ng laruan ang CJFI para sa mga kabataan na nasa evacuation center.

Ayon sa city government, malaking tulong ito na magkaroon ng avenue ang mga bata na makapaglibang sa kabila ng hirap na dinanas ng mga ito dahil sa bagyo.

Sa tuwing tumatama ang kalamidad sa bansa, isa si Pastor Apollo C. Quiboloy sa mga aktibong nagpapadala ng tulong sa mga Pilipinong nangangailangan.

Sa panahon ng Yolanda at iba pang bagyo sa bansa, pagtama ng malalakas na lindol sa Mindanao, pagputok ng Bulkang Taal at iba pang mga sakuna- aktibo ang butihing Pastor sa pamamagitan ng mga NGOs ng Bansang Kaharian sa pagpapadala ng tulong.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *