Pastor Apollo C. Quiboloy naghatid ng tulong sa mga biktima ng habagat sa NCR

Pastor Apollo C. Quiboloy naghatid ng tulong sa mga biktima ng habagat sa NCR

NAGHATID ng tulong sa mga higit na apektadong pamilya dulot ng habagat sa National Capital Region (NCR) at karatig lugar ang Caravan of Love Relief Operations sa pangunguna ni Pastor Apollo Quiboloy sa pakikipagtulungan ng SMNI Foundation, Children’s Joy Foundation (CJFI) at Sonshine Philippines Movement (SPM).

Lubog sa baha ang ilang lugar sa Metro Manila nitong nakalipas na araw dahil sa pinalakas na habagat dulot ng Bagyong Fabian.

Maraming pamilya ang inilikas na nakatira sa tabi ng ilog gaya na lamang ang mga nakatira sa Marikina.

Bagama’t natapos na ang Phase 1 ng dredging project, ay hindi pa rin ito nakaligtas sa mga pagbaha.

Marami sa mga pamilya ngayon ang nasa mga evacuation center at nanawagan ng tulong.

Dahil sa pagkakaroon ng malaking puso sa pagtulong, agad na kumilos ang grupo ni Pastor Apollo C. Quiboloy, sa pakikipagtulungan ng SMNI Foundation, Childrens’ Joy Foundation at Sonshine Philippines Movement at magbigay ng tulong sa mga higit na nangangailangan.

Daan-daang balde ang magdamag na inihanda ng mga volunteers ang nakatakdang ihatid sa mga napiling evacuation center sa Marikina at Cavite.

Abangan lang sa SMNI News Channel ang iba pang update sa gagawing Caravan of Love Relief Operations.

Sa mga nais pang magbigay ng tulong maaAri ninyong ipadala ang inyong tulong sa:

Bank Account

UnionBank

Account Number: 00-217-000962-6

SMNI Station Address

Metro Manila

ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City

Davao City

Sonshine Media Network International, Philippine-Japan Friendship Highway, Sasa, Davao City

 

At sa lahat ng Sonshine Radio Stations sa buong bansa.

Para sa mga katanungan ay kontakin lang ang contact number ng SMNI Foundation sa numero +63936-947-2287

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *