Pastor Apollo C Quiboloy, kinalala sa 19th Gawad Amerika Awards

Pastor Apollo C Quiboloy, kinalala sa 19th Gawad Amerika Awards

NAKATANGGAP ng pagkilala at parangal si Pastor Apollo C Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ sa katatapos lamang na 19th Gawad Amerika Awards na ginanap sa California, USA.

Kinilala ang butihing Pastor at founding president at CEO ng Sonshine Media Network International o SMNI bilang “International Pastor of the Year.”

Kinilala naman si Pastor Apollo dahil na rin extraordinary change na dinala nito sa buhay ng milyun-milyong tao, sa pamamagitan ng Kingdom of Jesus Christ, ng Children’s Joy Foundation, Sonshine Media Network International at ng Sonshine Philippines Movement.

Ang Gawad Amerika Foundation ay inorganisa ni Mr. Charles Simbulan noong 1996 bilang pagkilala sa mga Pilipino at Filipino- Americans sa malaking ambag nito sa bansa.

Isang hakbang rin umano ang nasabing pag-organisa ng grupo para magbigay inspirasyon sa mga susunod na henerasyon ng mga Pilipino at Filipino- Americans sa Estados Unidos na maging mabubuting mamamayan sa bansa.

Matatandaang noong nakaraang taon ay pinarangalan din ng Gawad Amerika si Pastor Apollo at ang international evangelical ministry nito bilang Outstanding Restorationist Church of 2019 at 2019 Outstanding International Media Network naman ang SMNI.

 SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *