Pastor Apollo C. Quiboloy: Dapat 100% ang trust rating ni Pang Duterte

Pastor Apollo C. Quiboloy: Dapat 100% ang trust rating ni Pang Duterte

HINDI naging masaya si Pastor Apollo C Quiboloy sa naging resulta ng pinakahuling survey ng Pulse Asia kung saan nakakuha ng 91% trust rating si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pamamahala sa bansa sa gitna ng pandemya.

Sa live broadcast ng kanyang programang Powerline, sinabi ni Pastor Apollo na dapat sana ay 100%  ang trust rating dahil ginawa ni Pangulong Duterte ang lahat ng makakaya sa gitna ng pandemya.

“Hindi ako masaya sa 91% eh. Dapat 100% ‘yan. Ginagawa lahat ng ating pangulo ang kanyang makakayanan sa gitna ng pandemyang ito. Nakikita niyo mayroong kapamamaraan ang ating gobyerno. Ginawa lahat,” sabi ni Pastor Apollo.

Kaugnay nito, pinabulaanan naman ng butihing Pastor ang mga kritiko ng administrasyon ni Pangulong Duterte. Ayon kay Pastor Apollo, wala siyang makitang dahilan para magkritiko ang mga tao sa ginagawa ng pangulo.

“Ano pa ‘yung ano pa yung makicritic mo? Eh wala akong makitang reason sa taong nagkikritiko ang pangulo ginawa niya na lahat. Tingnan niyo yung mukha ng pangulo wala nang pahinga di ba? Meron nang SAP eh dapat yung mga SAP na yun gamitin yung mga bilyon-bilyong pera na yun para sa kapakananan ng gobyerno natin kung saan gagamitin, ginamit nalang sa mga tao kasi hindi makapagtrabaho ang tao. Oh, hindi mo naman pwede i-open bigla bigla lalong darami ang mga mahahawa kasi hindi naman sumusunod oh meron talagang matitigas ulo. Oh, ‘pag kayo nagkahawaan sinong problema na naman yun, gobyerno na naman. Another na naman pantustos saan ka pupunta tulad sa bansang West USA hindi sila makaabante, hindi nila ma-open pag in-open nila magkakahawaan iko-close na naman nila. Eh, ano yung sinabi nung director ng CDC ang pinamabisa sabi niya mas mabisa pa sa vaccine kinuha niya yung ano na yung kanyang ano kinuha na ang kanyang mask ito sabi niya ang pinakamabisa; itong mask na ‘to laban sa pandemyang ito. Eh, karamihan doon ayaw mag-mask nakikipag-away pa nga pagka pinapasusuot mo ng mask oh. Ano pa ano pang dapat gawin ng ating pangulo, ano pa ang dapat gawin? Meron na mga quarantine na tulad dito sa Davao lahat ng protocols naririto pagka lumipad ka papunta dito meron ano nga yung tawag diyan—may swab test agad automatic swab test yan pagka positive ka quarantine oh. Yan mga protocols nakalapag lahat yan sa lahat ng ating mga siyudad sa buong Pilipinas tapos sinusuportahan yung mga taong walang trabaho. Ano pa yung gusto mo? Ano pa yung gusto ng mga kritiko. Kaya kahit nasa gitna ng pandemya napakataas ng kanyang trust rating dapat nga hindi 91% yan eh at least nag 98-99% yan ganun. Kulang pa,” paliwanag ng butihing Pastor.

Samantala, pumangalawa naman si Senate President Vicente Sotto III na may 79%, sinundan naman ito ni House Speaker Alan Peter Cayetano na may 67%, habang lumapag naman si Vice President Leni Robredo sa pang-apat na pwesto na may 50% at 39% naman si Chief Justice Diosdado Peralta.

Ang survey ay isinagawa ng Pulse Asia noong Setyembre 14 hanggang 20 sa 1,200 adults sa buong bansa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *