‘Pass the hat’ initiative, inilunsad sa Kamara para kay Hidilyn Diaz

‘Pass the hat’ initiative, inilunsad sa Kamara para kay Hidilyn Diaz

NAGLUNSAD sa Kamara ng “pass the hat” initiative para makalikom ng reward para kay Hidilyn Diaz, ang kauna-unahang Olympic gold medalist ng Pilipinas.

Paraan ito ng Kamara para kilalanin ang karangalang dala ng Olympian sa kasaysayan ng bansa.

At mismong si Speaker Lord Allan Velasco pa aniya ang nagtulak nito at unang nag-ambag ng P200,000.

“I think the incentive will go as far as 5-10 million. As we speak nagpapasahan na ng hat ngayon. Yung mga pledges coming from all congressmen are being done as we speak. As we speak, meron nang mga 4 million from various congressmen giving those incentives,” pahayag ni Romero.

Nilinaw naman ni Romero na para muna kay Hidilyn ang “pass the hat” initiative nila sa Kamara.

Maglulunsad ulit sila ng initiative kung may makakasungkit pa ng gintong medalya sa mga natitirang atleta ng bansa.

May hiwalay namang P3 million nang cash incentive si Romero para sa makakakuha ng gold medal tulad ni Diaz, P2 million para sa silver medalist at P1 million para sa bronze medalist.

“Si Hidilyn is a centurion type of an athlete. It comes only once in 100 years to give a medal like this,” ani Romero.

Sinabi rin ni Romero na dapat ituring na bayani si Hidilyn dahil sa kanyang naabot para sa bansa.

Philippine Legion of Honor, pinagagawad kay Hidilyn Diaz

Naghain ng resolusyon si Deputy Speaker at Las Piñas Rep. Camille Villar upang himukin si Pangulong Rodrigo Duterte na ibigay kay Hidilyn Diaz ang Philippine Legion of Honor matapos masungkit ang kauna-unahang Olympic gold medal ng bansa.

Ang Philippine Legion of Honor ang pinakamataas na parangal na maaaring ibigay ng Pangulo sa isang indibidwal na hindi kailangang aprubahan ng Kongreso.

Samantala, pinalilibre naman mula sa pagbabayad ng buwis ang lahat ng mga donasyong salapi at rewards na matatanggap ng mga national athletes at coaches sa bansa.

Sa ilalim ng House Bill 9891 o “Hidilyn Diaz Act of 2021” inaamyendahan nito ang Republic Act of 10699 o National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act.

BASAHIN: AFP, nagpaabot ng pagkilala sa pagkapanalo ni Hidilyn Diaz sa Tokyo Olympics

SMNI NEWS