bilang Chief PNP
National

Pasiyang pagbibitiw ni Albayalde bilang Chief PNP, sarili nitong desisyon –Palasyo

Flash Sale updated every 4 hours

SARILING kapasiyahan ni General Oscar Albayalde ang desisyon nitong magbitiw bilang Chief PNP.

Ito ang binigyang diin ng Malakanyang kasunod ng ginawang pagre-resign ni Albayalde bilang hepe ng Pambansang Pulisya halos tatlong linggo pa bago ang kanyang nakatakdang pagreretiro.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, maaaring dahil na rin sa mga akusasyong kasalukuyang kinakaharap nito ang dahilan ng naging pagbibitiw ni Albayalde at bitiwan na ang pamumuno sa PNP.

Una na rin namang sinabi ni Albayalde ani Panelo na nahihirapan na ang kanyang pamilya sa sitwasyon kaya isa na rin aniya ito marahil sa naging rason ng pagbibitiw ng Chief PNP.

Binigyang diin pa ni Panelo na walang pressure siyang nalalaman na nagmula sa Palasyo kaugnay ng naging hakbang ni Albayalde para iwan ang pinakamataas na puwesto sa National Police.

General Albayalde, dapat kasuhan –Sen. Pangilinan

Hindi sapat para kay Senador Kiko Pangilinan ang pag bitiw sa pwesto bilang PNP chief ni General Oscar Albayalde na nauugnay sa kontrobersyal na ninja cops.

Ayon sa senador dapat kasuhan din ng pamahalaan si Albayalde na aniya nagpayaman sa sarili gamit ang mga nakumpiska na illegal na droga.

Kaugnay nito ay pinuna naman ng Senador ang pangungunsinte ng administrasyon sa mga kaalyado o appointees ng pangulo na hindi napaparusahan dahil sa korapsyon tulad aniya nina Wanda Teo, Isidro Lapena, Nicanor Faeldon, at marami pang iba.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *