Pasay police
Metro

Pasay police, iniimbestigahan ang pagkawala ng siyam na kabataan sa lungsod

INIIMBESTIGAHAN na ng Pasay police ang umano’y pagkawala ng siyam na kabataan sa lungsod.

Ayon kay Pasay Police Chief Colonel Yang, walong lalaki at isang babae na may edad 18 hanggang 23 ang umano’y nawala noong Nobyembre 20 at 22 kung saan ilan sa pamilya ng mga nawawala ay iniulat ang insidente sa social media.

Sinabi ni Yang na may lead na silang sinusundan para matukoy kung sino ang kumukuha sa mga ito at malaman kung ano ang dahilan.

Mayroon na rin aniyang hawak ang mga otoridad ng plate number ng van na sinasabing ginamit sa pagdukot sa isa sa mga biktima.

Sinusuri na rin ng pulisya ang surveillance videos at humingi na ng tulong mula sa service providers para ma-locate ang cellphone ng grupo.

Sa ngayon ay wala pang ibinibigay ang Pasay police ng iba pang detalye ukol sa mga nawawalang kabataan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *