National

Parojinog, nanlaban umano kaya napatay -PNP

Blangko si Philippine National Police Chief Director General Ronald dela Rosa sa nangyari sa raid kay Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog Senior.
Ayon kay dela Rosa, wala siya sa raid kaya hindi niya alam kung tinanggal ang CCTV sa bahay ng mga Parojinog.
Pero matagal na aniyang pinagplanuhan ng PNP ang pag-aresto sa mga ito.
Samantala, ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), nanlaban ang Alkalde at ang ilang kasama nito kaya’t napatay ang mga ito.
Pinaputukan na umano sila bago pa man nakapasok sa bahay para isilbi ang warrant of arrest sa mga ito.
Samantala, dinala naman sa Metro Manila si Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parojinog-Eschavez na naaresto rin sa nasabing raid.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *