Paparating na rally ng BBM-Sara tandem sa QC, hinaharang ni Mayor Belmonte—Defensor

Paparating na rally ng BBM-Sara tandem sa QC, hinaharang ni Mayor Belmonte—Defensor

BINUNYAG ni Quezon City mayoral aspirant Mike Defensor sa SMNI News na hinaharang ng Quezon City Government ang rally na kanilang gagawin para sa Bongbong Marcos (BBM)-Sara Duterte tandem.

Ayon kay Defensor na kinatawan ngayon ng Anakalusugan Party-list sa 18th Congress, hindi pinapagamit ng LGU ang  Quezon City Circle ngayong Disyembre 8.

Sa kuwento ng chief of staff nito na si Atty. Ari Ancheta, tatlong beses nilang nakumpirma na bakante ang circle mula Disyembre 6-9.

Kaya nilakad nila ang booking ng event sa Disyembre 8.

Maayos pa raw ang negosasyon at tatlong beses nilang nakumpirma sa ground na bakante ang Disyembre 8.

Subalit nag-iba raw ang lahat nang malaman na ang request ay galing sa tanggapan ni Defensor at ang event ay para kay presidential aspirant at dating Senador Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

“Sabi niyo po sa amin kahapon yung December 6 to 9 free siya. And then tinanong ko rin po sino yung nag-book for the whole of December. Nagreply po siya, after office hours na po yun eh. Sabi niya yung Liwasang Aurora was booked by the city’s events office, Office of the City Mayor, Office of the City Vice Mayor and the Councilor’s League sir. So bale tatlong (beses) po naming tinanong sila noong November 25 yung December 6-9, tatlong beses rin pong nag-confirm na open po sila,” pahayag ni Ancheta.

Quezon City LGU, pinabulaanan ang pagharang at tinawag na ‘fake news’ ang pahayag ni Defensor

Naunang pinabulaanan ng city government at tinawag na fake news ang pahayag ng kampo ni Defensor.

Ayon sa QC LGU, hindi raw akma ang Liwasang Bonifacio para sa gagawing event.

Sa halip na sa open area, ang covered court ang pinapagamit ng city hall para sa event ni BBM.

“The venue that their group requested for the event is not meant for such activities. Needless to say, however, an alternate venue was proposed and offered,” pahayag ng Quezon City Government

Pero tanong ni Defensor, bakit pwedeng magamit ng mga event para kay VP Leni Robredo ang circle at hindi kay BBM?

“Nakita mo sabi ng ano oh, sa bisikleta pwede sa Liwasang Aurora pero si BBM hindi. Sabi ni Tita Maldita, si Leni pwede sa Liwasang Aurora gumawa ng event,” ayon kay Defensor.

Ngunit ayon sa city government, ang covered court daw talaga ang natatanging pinapagamit nila sa mga nagdaang kandidato.

“It must be emphasized that this is exactly the same venue that was offered and used by previous candidates,” ayon sa Quezon City Government.

Pero ayon kay Defensor, masyadong maliit ang covered court para sa event na dadaluhan ni Bongbong Marcos at Davao Mayor Sara Duterte.

Defensor kay Belmonte: Maging patas ka naman at hayaang mapakinggan ng mga taga QC ang BBM-Sara tandem

“Kitang-kita diba? Pagka-sila pwede, pagka-rally noon pang Leni Robredo pwede! Pero dito kay BBM at kay Inday Sara hindi pwede,” ayon pa ni Defensor.

“Simple lang ang sasabihin ko sa kanya eh. Mayor Joy patas na labanan lang, pabayaan natin lahat ng kandidato na magsalita, marinig ang kanilang mga plataporma, makita silang personal ng tao at madinig sila dahil yan ang esensya ng demokrasya yan ang isang esensya ng isang proseso ng halalan at para maging patas tayo.”

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *