Panuntunan para makinabang sa tax free ang Balikbayan box, inilabas ng BOC

Panuntunan para makinabang sa tax free ang Balikbayan box, inilabas ng BOC

NAGLABAS ngayon ng guidelines o panuntunan ang Bureau of Customs (BOC) para sa pagpapadala ng mga Balikbayan box ngayong Kapaskuhan.

Sinabi ng BOC na maaaring magpadala ng kanilang balikbayan box papunta sa Pilipinas ang mga korporasyon, partnerships o solong pag-aari, pero mga kwalipikadong Pilipino lamang na nasa abroad ang makikinabang sa duty at pribilehiyo ng tax free base sa section 800 ng Customs Modernization and Tariff Act.

Nakasaad sa Republic Act No. 10863 o CMTA na ang pagpapadala ng Balikbayan box ng mga kwalipikadong Pinoy na nasa ibang bansa ay libre o hindi magbabayad ng buwis pero hindi dapat lalagpas sa PhP 150,000 ang total na halaga ng bagahe at ang sosobra sa computation ay papatawan na ng buwis.

Kabilang sa mga kwalipikado sa naturang programa ay mga overseas Filipino workers na may passports mula sa DFA na sertipikado ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Paalala naman ng BOC na ang malilibre lamang sa tax ay mga personal at household effects tulad ng damit, gadgets, at iba’t ibang uri ng mga toiletries.

Ang bagahe naman na mapapatunayang may kargang kasing dami na ng pang-commercial o pangnegosyo na ay magbabayad na ng buwis dahil hindi na ito sakop ng tax-free privilege.

SMNI NEWS

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *