Panukalang pederalismo
National

Panukalang pederalismo, dapat lagyan ng anti-dynasty provision

KAILANGANG magkaroon ng anti-dynasty provision para maiwasan ang pamamayagpag ng mga political warlord kung itutuloy ang panukalang pederalismo.

Ito ang naging pahayag ng constitutionalist na si Atty. Tony La Viña sa panayam ng Sonshine Radio at SMNI News sa planong pagsusulong ng federal government.

 Kung maaalala, hindi rin sang-ayon sa pederalismo noon si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio dahil delikado kung mabibigyan ng mas malaking kapangyarihan ang mga rehiyon sa bansa habang marami pang mga political warlord.

Ang pederalismo ay isa sa mga isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte noong tumatakbo pa lamang ito sa pagkapangulo noong 2016.

Subalit kamakailan lang ay nawalan na ng pagasa ang pangulo sa pederalismo at mas piniling magkaroon na lamang ng Charter Change o pag-amyenda sa Saligang Batas.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *