parusang community service
National

Panukalang parusang community service para sa mga light offense, ganap ng batas

ISA nang ganap na batas ang panukalang parusang community service para sa mga light offense.

Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11362 kung saan community service na lamang ang kakaharaping parusa ng mga makagagawa ng light offenses, mula sa kasalukuyang parusa na pagkakakulong ng isang araw hanggang anim na buwan.

Nakasaad sa batas na gagawin dapat ang community service sa lugar kung saan nangyari ang paglabag sa batas at ang korte ang bahalang tumukoy sa haba ng community service depende sa bigat ng nagawang kasalanan.

Kailangan din sumailalim ang offender sa rehabilitative counseling, sa pangunguna ng Social Welfare and Development Officer na nakasasakop sa lugar.

Sakaling labagin ng offender ang terms na ipinataw sa kanyang commumity service, maaaring ipag-utos muli ng korte ang pag-aresto dito at patawan ito ng full term penalty kabilang na ang pagkakakulong.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *