Panukalang parusahan ang gumawa ng mga mali sa learning materials, inihahanda na

Panukalang parusahan ang gumawa ng mga mali sa learning materials, inihahanda na

NAGHAHANDA na ang House Committee on Public Accounts ng isang panukalang batas para maparusahan ang mga nagkulang sa isyu ng mga mali-maling learning materials sa DepEd.

Ayon kay Committee Chairman Bonito Singson, pananagutin nila ang mga responsable sa isyu.

“We will certainly make recommendations to make accountable all those who are responsible for any violation of an existing law,” ayon sa pahayag ni Singson.

Kamakailan, nakitaan ng bastos na salita ang learning modules na ginagamit ng mga mag-aaral.

Sa module, ginamitan ng bastos na salita ang pagsasalarawan sa Filipino folklore na aswang.

May nakita ang DepEd na 155 na mga mali sa learning materials.

Umabot umano sa 163 ang natanggap nilang ulat tungkol sa mga pagkakamali sa learning materials mula Oktubre 2020 hanggang Hunyo 2021.

Pero sa isinagawa nilang pagsusuri, bumaba ang bilang sa 155.

Sa nasabing bilang, sinabi ni DepEd Usec. Diosdado San Antonio na 100 sa mga pagkakamali ay nasa locally-developed materials.

Ipinadala ang mga ito sa division office level para sa kinakailangang pagtutuwid.

Inabisuhan din umano ng DepEd ang mga guro na itama ang mga naturang pagkakamali.

Pero ayon kay Singson, walang ibinigay na katiyakan ang DepEd para matiyak na hindi na mauulit pa ang insidente.

Dahil hanggang ngayon ay may nasisilip pa rin na mga mali sa learning modules.

“Basically, the DepEd has not assured us that its quality assurance teams  are effective.  These have been in place before yet errors were still committed,” ayon kay Singson.

BASAHIN: DepEd, plano ang class opening sa Agosto 23, Setyembre 6 o Setyembre 13

SMNI NEWS