14th month pay
National

Panukalang pagbibigay ng 14th month pay, suportado ng DOLE

SUPORTADO ng Department of Labor and Employment o DOLE ang Senate Bill 10 na inihain ni Senator Vicente Sotto na mag-oobliga sa private employers na bigyan ng 14th month pay ang kanilang manggagawa.

Sa panayam ng DZAR Sonshine Radio kay Labor Secretary Silvestre Bello III, sinabi nito na kanilang sinusuportahan ang panukala pero kailangan muna aniyang pag-aralan at suriin ang kakayahan ng mga employer.

Sinabi ni Bello na kung kaya ng isang employer namagbigay ng 14th month pay ay dapat itong ibigay sa mga manggagawa pero kung hindi ay kailangan aniya maghintay ng kunting panahon.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *